Thursday, February 17, 2011

Tahimik na mundo

Lahat naman siguro tayo pinapangarap ang matahimik na mundo. Yung tipong walang away, walang gulo, walang ingay. Lahat perpekto although wala naman talagang perpektong bagay. Sabi nila para maranasan mo ang tahimik na mundo susubukan mong mapag-isa, susubukan mong pumunta sa malayong lugar. Doon makakapag isip-isip ka ng mga bagay bagay na nangyayari sa mundong ginagalawan mo. Doon mo maiisip ang mga problema mo, ang mga hinanaing mo sa buhay, ang mga pangarap mo, ang mga masasayang pangyayari sa buhay mo. At doon mo din matutuklasan ang mga solusyon sa problema mo.

Kaso san nga ba yung lugar na yun? Sa isang isla? Sa beach? Sa mga bundok? Ano ka ermitanyo? Pero srsly, yung lugar na yun ang matagal ng inaasam ng nino man sa atin. Kahit ako gusto kong makapunta doon. Gusto kong iwan lahat ng problema dito at takasan ang mundong ginagalawan ko. Gusto ko makapagisip-isip ng mga bagay bagay na nangyayari sa buhay ko. Alam ko bata pa ako hindi ko rin alam kung bakit ganito ako mag isip. Hindi naman ganoon kadami o kalaki ang problema ko pero gusto ko pa din takbuhan ang lahat.

Kung sana ganon lang kadali yun. Pero hindi, hindi ako pwede tumakbo, kahit sino sa atin hindi pwedeng pumunta sa lugar na yun. Dahil kelangan nating harapin lahat ng pagsubok na dumadating sa buhay natin. Kelangan natin lutasin lahat ng problema sa ayaw man o sa gusto natin.

Naisip ko lang, sana makatikim din tayo ng tahimik na mundo. Kahit sandali lang.

Gaya ngayon tahimik mundo ko dito. Bagong blog. Bagong simula

No comments:

Post a Comment