Saturday, August 6, 2011

Wag sayangin ang pagkakataon.

Kahapon sumakay ako ng tricycle ng dati kong service noong Grade 1 ako papuntang Marikina Bayan para makasakay ako ng jeep papuntang school. Siya si Kuya Rudy, naging service din siya ng ate ko noong elementary siya, kaya sobrang tagal niya nang namamasada. Sa kanya na mismo nanggaling, mahirap talaga umasenso kapag simpleng pamumuhay lang ang ginagawa mo sa pang araw araw. Sa mga taong tulad niya lalo kong nare-realize na sobrang swerte ko pala sa buhay. Kasi may pang paaral ako. I have all the means to become successful in the future, na sa sarili ko nalang kung gagamitin ko sa tama.

Hindi ko kasi maintindihan yung ibang studyante na tulad ko. Yung mga taong mahilig mag bulakbol at hindi pumasok sa eskwela. (Hindi naman ako magpapaimpokrito kasi ginagawa ko din naman yang mga yan) Pero kapag naiisip ko yung perang nilalaan para lamang makapag aral ako eh naaawa ako sa tatay ko na hindi na magkanda-ugaga mag trabaho sa ibang bansa, mabigyan lang kami ng magandang buhay. Maniwala ka man o sa hindi, pero kahit kailan hindi ko pa nasubukang mang kick back sa mga magulang ko pag dating man sa tuition o sa mga libro. Hindi naman kasi tinatae lang ang pera, kapag maiisip mo lang yung hirap na pinagdadaanan ng mga magulang natin mapag aral lang tayo.

Siyempre hindi mo naman maiaalis sa atin na dadaan talaga tayo sa rebellious stage. Pwedeng mild rebellion o yung tipong wagas talaga mag rebelde sa mga magulang. Hindi ko din naman masisisi yung mga taong ganon, kasi may dahilan naman ang lahat ng yon kung bakit sila nagkaganon. Pero bakit pa kailangan mag rebelde? Sana naiisip nila na sayang ang pera, ang panahon, at higit sa lahat ang pagkakataon. Sa dinami dami ng taong gustong mag aral pero hindi makapagpa-aral dahil sa walang pera, andiyan ka pa din at nakuha mong mang kick back o mag loko sa eskwela? Isipin mo nalang yung mga taong nasa lansangan at walang makain, yung mga taong grasa na pakalat-kalat, yung mga batang paslit na namamalimos.

Oo swerte ka, wag mo sana sayangin yung pagkakataon na ibinigay sayo. Maging responsable, matatanda na tayo. Tandaan mong nasa huli lagi ang pagsisisi.

Mama's boy.

Matagal na din kaming hindi nagkakatabi ng mama ko sa kama bago matulog. Siyempre madalas kasi kapag bata eh lagi mong katabi matulog ang nanay o tatay mo. Malapit kasi ako sa mama ko, siguro dahil sa lalake ako kasi yung ate ko naman eh sa papa ko malapit. Kagabi natulog ulit kami ng magkatabi, wala kasi ang papa ko nasa abroad nanaman siya. Nakakatuwang isipin na kahit na ang laki-laki ko na eh nagagawa ko pa ding tumabi sa mama ko. Naalala ko pa dati nung nag break kami ng ex ko, tumabi ako sa kanya matulog nung gabing yun tapos umiiyak ako at niyakap niya ako. Siyempre binigyan niya ako ng mga payo. Tapos kapag nasa mall naman kami eh madalas ko siyang akbayan. Ewan ko pero siguro mama’s boy talaga ako.

Hindi naman ako nahihiya kung ganon, proud pa nga ako na mama’s boy ako. Kasi yung ibang lalaki kapag lumalaki na eh ayaw na magpapahalik o magpapayakap sa mga nanay nila. Para bang kinakahiya nila, na hindi naman dapat. Kahit na minsan may saltik ang mama ko at lagi nagagalit ayos lang, ganon talaga siguro kapag tumatanda na HAHAHA. Naniniwala kasi ako na kapag ang isang lalake eh malapit sa mga nanay nila, magiging magaling silang tatay sa mga anak at asawa nila. Andoon kasi yung respeto at pagmamahal. Pero hindi ko naman sinasabi na kapag malayo ang loob ng isang lalake sa kanilang mga nanay eh hindi na ito magiging mabuting padre de pamilya. Siyempre nasa tao din naman kasi yun.

May mga babae naman na ayaw ng mama’s boy, meron din namang may mga gusto. Depende naman kasi sa lalake yun, panget naman kasi pag sobrang mama’s boy na, minsan hindi na nakakapag-desisyon mag isa kapag wala ang mga nanay nila. Hindi dapat ganoon, bilang isang lalake matuto dapat tayong tumayo at panindigan ang mga desisyon natin sa buhay. Kaya nga di na ko magugulat kung yung ibang mga babae sinasabi sa mga boyfriend o asawa nila na “Bumalik ka nalang sa nanay mo”. Siguro sila yung mga lalakeng na spoiled ng sobra ng mga nanay. Kaya nga ako eh masaya kasi hindi ako na spoiled ng mama ko nung bata ako. Kaya kahit papano masasabi ko sa sarili ko na magiging mabuting padre de pamilya ako. Kasi alam ko sa sarili ko na pinalaki ako ng tama, hindi lang ng nanay ko pati na din ang tatay ko.

Thursday, July 14, 2011

Lotto



Likas sa ating mga pinoy ang mahilig tumaya sa kahit na anong klase ng mga sugal. Isa na sa pinakasikat dito ay ang Nationwide lottery na hatid sa atin ng PCSO. Dahil sa nga sa limpak na limpak na pa-premyo ang hatid nito sa ating mga kababayan kaya marami ang nae-enganyo sa pag sali nito. Sabi nga ng matatanda masama daw ang sugal pero kapag milyon na ang usapan walang nagiging masama dahil nga sa pagkakataong mabago nito ang ating buhay.

Mapa-bata man o matanda (Hanggang 18 years old) ay nahuhumaling sa pag taya sa lotto. 6 na numero ang kailangan para makuha mo ang jackpot. 6 na numero lang pero sobrang hirap na kumbinasyon ito para mahulaan. Ayos sa statistics na alam ko meron kang 1/300,000,000 chance na makuha mo ang tamang combination ng 6 na numero. Yun ay kung sa 6/42 ka tataya at mas liliit pa yan kung sa 6/45, 6/49, at sa 6/55 ka tataya. Hindi ko sigurado kung tama yang statistics na nakuha ko, pero tama man yan o hindi. Isa lang ang totoo. MAHIRAP MATIYAMBAHAN ANG ANIM NA NUMERO.





Marami ng nananalo sa larong ito. Isa na ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Oo, kung hindi niyo alam, nanalo sa lotto si Dr. Jose Rizal nung siya ay napatapon sa Dapitan. At sa pagkaka-alam ko sa Rizal na subject ko nagpatayo siya ng eskwelahan at bumili ng mga lupain. Ewan ko ba kung ano ang meron kay Rizal at napaka-swerte niyang tao. Sa pagkakaalam ko eh naglalaan talaga siya ng budget para lamang pantaya sa lotto.

Ang pagkapanalo dito ay hindi biro, malaki man o di gaanong kalaki ang napanalunan mo dito (basta jackpot) eh maaaring mabago nito ang buhay mo at ang buhay ng pamilya't mga kamag anak mo. Maaari ka na ding makatulong sa ibang tao, pwede ka mag donate sa mga charitable institutions, mag pagawa ng simbahan, tumulong sa mga mahihirap, mag patayo ng libreng hospita o kaya naman ay eskwelahan. Nasa sa iyo nalang yun kung paano mo ibabalik ang biyayang natanggap mo. Naniniwala kasi ako na kapag nanalo ka sa lotto, ikaw ang napili ng Diyos na gawing instrumento para makatulong sa ibang tao. Kaya kung ikaw ay su-swertehin wag mo kakalimutang mag pasalamat at mamahagi sa nakakarami. Gamitin ito ng maayos at tama para hindi ka matulad sa ibang taong nanalo na sa lotto nag hirap pa din. (Inuna kasi ang pasarap) Dahil bihira lang ang ganitong pagkakataon sa buhay ng tao. Kapag ikaw na yun, gamitin mo sana sa tama. At wag mo ako kalimutang balatuhan.







Wednesday, July 6, 2011

Buhay Irregular Student.

Ang hirap kapag nasa College level ka na. Ibang iba na yung environment mo at malaki ang pagbabago mula noong nasa highschool ka pa lang. Ang hirap talaga ng buhay freshman lalo na kapag galing probinsya ka. Ang hirap makibagay sa mga taong ngayon mo lang nakilala, yung iba minsan hindi mo talaga makakasundo. Ganon din sa mga cases ng irregular student, sa bawat isang subject iba't iba ang mga kaklase mo. Wala kang masayadong mga kaibigan, mag isa ka lang kumain, palagi mo kinakausap yung mga professors mo. Isa pa sa mahirap na task eh makikisama ka sa iba't ibang klaseng tao, iba-iba ang mga ugali. Madalas kapag meron kayong group report at nag groupings na eh madalas na maiwan ka sa isang tabi at naghahanap (or pwede ding nagdadasal) na sana may umampong grupo sayo. Sa tulad ko namang second courser, sa bagong school iba naman ang tingin nila sayo. Ang mindset nila eh matalino ka kasi nga naman ay naka-graduate ka na ng college.

May advantages at disadvantages naman ang tingin nila sa mga second courser. Una, madali kang makakakuha ng respeto sa ibang tao. Dahil nga naman bata pa sila at ikaw ang matanda doon, alam nila na may ibubuga ka. Ang disadvantage naman nito ay mataas ang expectations nila sayo. Hindi naman porque second courser eh matalino na talaga (Hindi ko naman masasabi na bobo ako pero hindi naman ako ganong katalino) minsan ikaw lagi ang leader sa mga group projects at mabigat lagi ang responsibility mo. Madalas ka ding ma OP sa mga activities na ginagawa sa school niyo. Hindi mo kasi alam kung kailan ang college week, foundation day, sportsfest, beauty pageant, quiz bee, at iba pa. Magugulat ka nalang wala pala kayong pasok dahil nga sa mga nabanggit sa taas.

Hindi mo din alam kung paano mag bigay ng grades ang mga professors. Mahirap ma culture shock. Ang hirap gumalaw kapag di mo alam kung ano ang nangyayari sa paligid mo. Hindi mo alam kung saan mo ilulugar ang sarili mo. Ano nga ba ang pwede mong gawin kapag ikaw lang mag isa? Simple lang, pwede kang matulog, oh kaya naman mag picture tulad nito. Maraming pwedeng gawin. Makipag-kaibigan ka, mag hanap ng mga kapwa mo estudyante na parehas kayo ng kalagayan at kaibiganin mo. Oh kaya kung wala ka na talaga magawa, mag dala ka ng camera at kumuha ng tulad ng litrato ko. Hindi naman pwedeng hindi ka ma-adapt sa environment mo. Sa una ka lang naman mahihirapan pero kung gagawa ka ng effort, hindi ka malulungkot at hindi ka mag-iisa katulad ko.






Wednesday, June 29, 2011

Tagay pre?

“Pare tagay tayo kahit isa lang, tagal nanating walang inom eh” hirit ni Mel, isang tapat na kaibigan. Hindi ko alam kung kailan pa siya nahilig mag inom, dati rati naman eh simpleng kwentuhan lang at sabay tugtog ng gitara with matching kantahan ayos na kami. Ganito kasi kami mag jam ng mga kaibigan ko. Hindi kami mahilig sa inom, kaunti lang din naman ang nag yo-yosi sa amin. Mas trip naming pumunta sa court at mag laro ng basketball. “Bakit ba gusto mong uminom? Anong meron? Busted ka pre? HAHAHA” sagot ko sa kanya na may halong pang-aalaska. Kapag nagyayaya kasi ang isa sa amin ng ganyan (na bihira namang mangyari dahil hindi nga kami mahilig mag inom) eh tiyak merong mabigat na problema yung nagyaya. Maaaring pag ibig, (madalas yun ang dahilan) pwede din namang pera (kapag ito naman ang problema eh wala kaming magagawa) at minsan tungkol naman sa pamilya.

Hindi ko alam kung bakit kailangan sa alak pumunta kapag ganitong may mga problema tayong pinagdadaanan. Normal na din siguro sa ating mga Pilipino ang gawing takbuhan ang alak. Hindi naman masarap ang alak, pero kapag nakakainom nito eh para bang lumalakas ang loob ng isang taong may problema na mag labas ng kanyang nararamdaman. Oo nga, mahirap nga naman ang mag tago ng nararamdaman lalo na kung masakit ito. Hayaan lang daw ilabas ito at iiyak (siyempre kailangan may kasamang alak). Habang nag iinuman dito din nailalabas paunti unti ng taong problemado ang mga hinanaing niya sa buhay. Simpleng tapik sa likod lang minsan ang magagawa natin bilang isang kaibigan para lamang pakalmahin siya.

Napapasarap ang inuman, matagal tagal na din kasing walang lamang serbesa ang aming mga tiyan. “Pre may lung cancer ako, critical stage na daw”. Natahimik ang grupo, halos lahat ay natulala ng sabihin ni Mel ito sa harap namin. “Putang ina mo, itigil mo na yang yosi mo, at wag kang mag bibiro sa amin ng ganyan” sagot ng isang kaibigan. “Gago, seryoso ako. Wag niyo sana kakalimutang mahal ko kayo.” At doon nag simula ng pumatak ang mga luha namin. Alam namin sa puntong yun ay hindi na siya para mag loko dahil alam naming malaking kagaguhan ang pagloloko ng ganyang karamdaman. Nagyakapan kami, nag tawanan habang inaalala ang mga pinagsamahan namin. Lumalim na ang gabi kailgan nanaming umuwi dahil may pasok pa kinabukasan. “Sabihin mo lang kung kailan tayo sabay sabay magpapa-kalbo.” yan nalang ang bulong ko sa kanya.

Tuesday, June 28, 2011

Bok walang talo talo.

Sabi nga sa bro code, ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan. In short walang agawan. Pero paano kung na in love kayong magkaibigan sa iisang babae? Ang hirap ng nasa ganitong sitwasyon di ba? Hindi mo alam kung ano ang pipiliin mo, kung ang pagkakaibigan niyo ba o kung ang isinisigaw ng puso mo. Napagdaanan ko na din tong ganito, at ang usual na ginagawa ko? Ako yung nag bibigay over dun sa kaibigan ko. Sabihin nanating duwag ako pero di ko alam pero mas mahalaga sakin ang hindi masira ang pagkakaibigan kahit na gusto ko yung babae.

Ang hirap din ng sitwasyon ng mga taong nagpaparaya, minsan kahit na gusto mong ipaglaban ang lahat meron at merong taong mawawala sayo. Pero paano kung yung babaeng gusto niyo yung isa ang gusto at hindi ikaw? Pag ganito ang sitwasyon eh dapat ka na talagang mag paraya sa kaibigan mo. Kung mahal mo talaga yung babae eh dapat maging masaya ka sa kanya. Masakit man sayo yun eh wala ka ng magagawa.

Magsha-share lang ako ng kwento. Yung dalawa ko kasing kaibigan nagkagusto sa isang babae. Si Mr. J at si Mr. D. Magkakaibigan kami pero dahil sa matagal ng gusto ni Mr. D si Ms. A matagal niya na tong pinopormahan kahit na pinagtatabuyan na siya ni Ms. A. Ayaw niya kasi sa kanya talaga nung una pa lang. Tapos hindi pa din nag mo-move on si Mr. D. Si Mr. J naman eh pinormahan si Ms. A na nagkataong mutual ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Ngayon sila na at malaki ang hinanakit ni Mr. D kay Mr. J. Sabi pa niya “SIMULA NGAYON HINDI KO NA SIYA TINUTURING NA KAIBIGAN”.

Ang panget lang di ba? Nakakainis lang yung ginawa ni Mr. D. Kasi kung tunay niya naman talagang mahal si Ms. A eh magpaparaya siya dahil alam niyang mahal ni Ms. A si Mr. J. Pero wala eh ganon talaga, masyadong matigas lang yung isa. Ito yung isa sa pinaka-panget na pwedeng mangyari sa magkaibigan. Kaya hanggat maaga pa wag na wag kayong mag mamahal ng iisang tao. O kaya naman ay matutong mag paraya. Dahil darating din naman kasi ang taong para sayo.

Hindi naman kasi talaga dapat minamadali ang pag ibig. Ang panget naman kung hahantong pa tayo sa ganitong tagpo sa ating mga kaibigan. Mahirap magkasira lalo na pag malapit kayo sa isa't isa. Malabo niyo ng maibabalik yung pagkakaibigan niyo. Kaya hanggat maaari wag mo tataluhin yung tropa mo. Pero depende pa din naman sa sitwasyon yun, minsan kasi may mga scenario na pwede mo ng ligawan yung naging ex o nagustuhan dati ng kaibigan mo pero siyempre may tamang panahon para doon.

Monday, June 27, 2011

Subjects

Minsan ba natanong mo sa sarili mo kung bakit my mga subjects tayo sa school na di related sa course natin? Yung tipong maiinis ka kasi NAPAKALAYO naman nito para sa tinatahak mong buhay sa hinaharap? Yung mga tipong kinaiinisan ng mga normal na studyante gaya ko dahil minsan pa-MAJOR pa sila kaysa sa mga major subjects mo talaga. Oo nakakainis talaga yun kasi feeling mo di mo naman siya magagamit sa hinaharap mo.

May nagtanong. BAKIT KAILANGAN PANG KUMUHA NG SUBJECT NA HINDI NAMAN RELATED SA COURSE? Simple lang sagot ko. Para ma-appreciate natin ang buhay bilang tao. Hindi nga siya related sa course natin pero related siya sa buhay natin. Kahit mainis pa tayo well wala naman tayo magagawa ganon talaga kasama yun sa buhay. Wala naman tayo mapapala kung magrereklamo tayo eh. Tska kahit ano pang gawin natin kahit sobrang layo ng subject na to sa course mo eh meron pa din tong relasyon kahit kaunti lang. Kaya imbis na mag reklamo tayo eh mag aral nalang tayo para hindi lang yung kurso natin ang alam natin. Pinapalawak din ito ang ating kaisipan para mas maintindihan pa natin kung ano nga ang ibig sabihin ng buhay.