Wednesday, June 29, 2011

Tagay pre?

“Pare tagay tayo kahit isa lang, tagal nanating walang inom eh” hirit ni Mel, isang tapat na kaibigan. Hindi ko alam kung kailan pa siya nahilig mag inom, dati rati naman eh simpleng kwentuhan lang at sabay tugtog ng gitara with matching kantahan ayos na kami. Ganito kasi kami mag jam ng mga kaibigan ko. Hindi kami mahilig sa inom, kaunti lang din naman ang nag yo-yosi sa amin. Mas trip naming pumunta sa court at mag laro ng basketball. “Bakit ba gusto mong uminom? Anong meron? Busted ka pre? HAHAHA” sagot ko sa kanya na may halong pang-aalaska. Kapag nagyayaya kasi ang isa sa amin ng ganyan (na bihira namang mangyari dahil hindi nga kami mahilig mag inom) eh tiyak merong mabigat na problema yung nagyaya. Maaaring pag ibig, (madalas yun ang dahilan) pwede din namang pera (kapag ito naman ang problema eh wala kaming magagawa) at minsan tungkol naman sa pamilya.

Hindi ko alam kung bakit kailangan sa alak pumunta kapag ganitong may mga problema tayong pinagdadaanan. Normal na din siguro sa ating mga Pilipino ang gawing takbuhan ang alak. Hindi naman masarap ang alak, pero kapag nakakainom nito eh para bang lumalakas ang loob ng isang taong may problema na mag labas ng kanyang nararamdaman. Oo nga, mahirap nga naman ang mag tago ng nararamdaman lalo na kung masakit ito. Hayaan lang daw ilabas ito at iiyak (siyempre kailangan may kasamang alak). Habang nag iinuman dito din nailalabas paunti unti ng taong problemado ang mga hinanaing niya sa buhay. Simpleng tapik sa likod lang minsan ang magagawa natin bilang isang kaibigan para lamang pakalmahin siya.

Napapasarap ang inuman, matagal tagal na din kasing walang lamang serbesa ang aming mga tiyan. “Pre may lung cancer ako, critical stage na daw”. Natahimik ang grupo, halos lahat ay natulala ng sabihin ni Mel ito sa harap namin. “Putang ina mo, itigil mo na yang yosi mo, at wag kang mag bibiro sa amin ng ganyan” sagot ng isang kaibigan. “Gago, seryoso ako. Wag niyo sana kakalimutang mahal ko kayo.” At doon nag simula ng pumatak ang mga luha namin. Alam namin sa puntong yun ay hindi na siya para mag loko dahil alam naming malaking kagaguhan ang pagloloko ng ganyang karamdaman. Nagyakapan kami, nag tawanan habang inaalala ang mga pinagsamahan namin. Lumalim na ang gabi kailgan nanaming umuwi dahil may pasok pa kinabukasan. “Sabihin mo lang kung kailan tayo sabay sabay magpapa-kalbo.” yan nalang ang bulong ko sa kanya.

2 comments:

  1. aw .... sad naman :( hayyst kci yosi pa eh

    ReplyDelete
  2. Casino site, bonuses, news, videos, games - LuckyClub
    Looking luckyclub for a site to take your gambling business to the next level? LuckyClub provides you with all the best of the best Casino Sites.

    ReplyDelete