Wednesday, July 6, 2011

Buhay Irregular Student.

Ang hirap kapag nasa College level ka na. Ibang iba na yung environment mo at malaki ang pagbabago mula noong nasa highschool ka pa lang. Ang hirap talaga ng buhay freshman lalo na kapag galing probinsya ka. Ang hirap makibagay sa mga taong ngayon mo lang nakilala, yung iba minsan hindi mo talaga makakasundo. Ganon din sa mga cases ng irregular student, sa bawat isang subject iba't iba ang mga kaklase mo. Wala kang masayadong mga kaibigan, mag isa ka lang kumain, palagi mo kinakausap yung mga professors mo. Isa pa sa mahirap na task eh makikisama ka sa iba't ibang klaseng tao, iba-iba ang mga ugali. Madalas kapag meron kayong group report at nag groupings na eh madalas na maiwan ka sa isang tabi at naghahanap (or pwede ding nagdadasal) na sana may umampong grupo sayo. Sa tulad ko namang second courser, sa bagong school iba naman ang tingin nila sayo. Ang mindset nila eh matalino ka kasi nga naman ay naka-graduate ka na ng college.

May advantages at disadvantages naman ang tingin nila sa mga second courser. Una, madali kang makakakuha ng respeto sa ibang tao. Dahil nga naman bata pa sila at ikaw ang matanda doon, alam nila na may ibubuga ka. Ang disadvantage naman nito ay mataas ang expectations nila sayo. Hindi naman porque second courser eh matalino na talaga (Hindi ko naman masasabi na bobo ako pero hindi naman ako ganong katalino) minsan ikaw lagi ang leader sa mga group projects at mabigat lagi ang responsibility mo. Madalas ka ding ma OP sa mga activities na ginagawa sa school niyo. Hindi mo kasi alam kung kailan ang college week, foundation day, sportsfest, beauty pageant, quiz bee, at iba pa. Magugulat ka nalang wala pala kayong pasok dahil nga sa mga nabanggit sa taas.

Hindi mo din alam kung paano mag bigay ng grades ang mga professors. Mahirap ma culture shock. Ang hirap gumalaw kapag di mo alam kung ano ang nangyayari sa paligid mo. Hindi mo alam kung saan mo ilulugar ang sarili mo. Ano nga ba ang pwede mong gawin kapag ikaw lang mag isa? Simple lang, pwede kang matulog, oh kaya naman mag picture tulad nito. Maraming pwedeng gawin. Makipag-kaibigan ka, mag hanap ng mga kapwa mo estudyante na parehas kayo ng kalagayan at kaibiganin mo. Oh kaya kung wala ka na talaga magawa, mag dala ka ng camera at kumuha ng tulad ng litrato ko. Hindi naman pwedeng hindi ka ma-adapt sa environment mo. Sa una ka lang naman mahihirapan pero kung gagawa ka ng effort, hindi ka malulungkot at hindi ka mag-iisa katulad ko.






3 comments:

  1. nakaka relate ako dito.
    mahirap talaga pag irreg.
    ako ilang years ko to na experience. hirap makita ng true frend,hehe.

    ReplyDelete
  2. pa-utot... sabi mo eh... irreg din ako dati at pakiramdam ko meron akong nakakahawang sakit, halos walang pumapansin sa akin... Buti na lang mababait naman yung mga nakatabi ko... hehehe wala bloghopping tsaka panggulo lang din

    ReplyDelete
  3. haha. may balak pa naman akong bumalik sa college at maging second-courser. sympre may mga reservations din ako, mga bagay na tulad mga nabanggit mo. pero tlgang ganyan pag irregular. mahirap. my only consolation? eventually matatapos din sa pag-aaral at may naghihintay na mas maraming opportunities. :)

    ReplyDelete