Sunday, April 10, 2011

Ano nga ba ako sayo?

Ito siguro yung isa sa mga pinakamadalas na tanong natin sa mga taong mahal o mahalaga na sa atin. Madalas itong mangyari kapag sa tingin mo para bang nag bago na ang pakikitungo niya sa iyo. O kaya naman ay naguguluhan ka na sa ipinapakita niyang pag tingin sayo. Madalas mangyari to sa mga magMU o Mutual Understanding. Pwede ding Malabong Usapan. Sa ganitong stage kasi ng dalawang tao nakikita kung gaano ba kahalaga o ka-importante yung isang tao doon sa isa. Alam niyo sa sarili niyo na gusto niyo ang isa’t isa pero hindi niyo pa malinaw sa inyo kung ano nga ba talagang meron sa inyong dalawa.

Doon na papasok ang katanungan na “ANO NGA BA AKO SAYO?” sa tingin mo ba ikaw mismo sa sarili mo handang tanggapin kung ano ang magiging sagot sayo nung taong mahal/gusto mo? Depende yan eh, minsan sasabihin sayo “Isa kang special na tao at may puwang ka sa puso ko” kapag nasa ganyang sitwasyon ka eh di masaya at alam kong yan ang gusto mong isagot sayo sa katanungang iyan. Kung nasa kabaligtaran ka naman pakshet lang. Ikaw sa sarili mo hindi mo na alam kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Minsan kasi nararamdaman mo na mahalaga ka, na para bang sobrang importante mo sa kanya, na kulang nalang talaga eh mag sabi siya na mahal ka niya. Minsan naman parang wala ka lang, para ka lang ordinaryong tao sa kanya and the worse? Hindi ka pa niya pinapansin.

So kelan ba dapat magtanong ng “ANO NGA BA AKO SAYO?” o mas mabuti na bang wag nalang itanong yan? Dahil baka hindi mo magustuhan ang sagot? Ikaw lang mismo sa sarili mo ang makakasagot niyan. Lahat kasi tayo may kanya-kanyang sitwasyon. Bawat sitwasyon iba iba ang pwedeng mangyari. Kaya kung ako sayo habang maaga pa lang o kaya magkaroon ka na ng pagkakataon, alamin mo na kung ano ka ba talaga sa buhay ng taong mahal/gusto mo. Sa ganon ay hindi ka na mahihirapang kumapa kung ano ang gagawin mo.

Para alam mo kung saan mo ilulugar ang sarili mo.

No comments:

Post a Comment