Monday, February 28, 2011

Hindi ako yung tipo ng tao na pag kaaway ng kaibigan ko yung isang tao kaaway ko na din yung taong yun.

Hindi porket magkaibigan kami at galit na siya kay Mr. A eh dapat galit na din ako kay Mr. A. Hindi ganon yun. Hindi dapat ganon. Lalo na kung kaibigan ko rin si Mr. A at mas malapit lang talaga ako sa kaibigan kong may galit sa kanya. They have their own issues, hindi ko ugali na makisawsaw sa away nila not unless nadadamay na ako. Pero hanggat maari pag may way para maipag-bati ko sila gagawin ko. Ayoko naman din kasi na nag aaway yung mga kaibigan ko.

Yung iba kasing tao pag kaaway ng kaibigan nila yung isang tao kaaway na din nila yung taong yun. Oo nga meron ngang “what are friends for” pero hindi naman porket ganon eh papanigan mo na yung kaibigan mo lalo na pag alam mong mali siya. Or kahit na tama siya, dapat alam mo pa rin yung kabilang side. Pag nakita mo na mali yung kabilang side doon mo na pwedeng kampihan ang kaibigan mo. Pero hanggat maari gumawa ka ng paraan para maayos ang problema. Hindi naman kasi makakatulong kung magkakampihan pa kayo dahil hahaba lang ang storya.

Minsan talaga dapat nasa neutral ka lang.

2 comments:

  1. hello there. i'd like to say thanks for visiting my blog some time ago and for following. :)

    been trying to comment sa tumblr mo, kaso di ko magawa kaya i followed it nalang (have tumblr too). :)

    anyway, i just have to agree with your point. it would be best kung unbiased ka. at the end of the day, you are a friend of both and not just of the other.

    ...and yes, will include you in my blog list. thanks again. :)

    ReplyDelete
  2. Hehe maganda kasi yung blog mo eh. Wow thank you po sa pag follow sa tumblr ko haha ano po ba URL niyo doon?

    Hehe di naman po kasi tama yung may papanigan eh.
    Salamat po uli :D

    ReplyDelete