Friday, March 4, 2011

Graduation

Sa darating na Abril ako ay ga-graduate na. Sana lang eh matuloy na to at wala ng papalya. Wala naman akong alanganing subjects dahil lahat ng problema ko sa majors eh tapos na. Buti nalang noong third year ako nakuha ko na silang lahat kaya ngayong fourth year thesis lang problema ko. Ngayong second semester wala na kong problema puro minor subjects nalang siya wala ng stress wala ng cramming although may mga requirements na kailangang ipasa chicken feed nalang dahil hindi naman ganon kahirap. Kailangan mo lang bigyan ng kaunting effort. Buti naman at matatapos na tong lahat.

Medyo nanghihinayang lang ako, ngayon ko lang na realize na sana pala hinapit ko yung mga laude laude na yan. Haha kaso it's too late. Kulang na ang grade ko para makasabit kahit sa Cum Laude award. Pero ayos lang. Hindi ko din naman kasi ineexpect na pwede akong mag run ako sa award na to hanggang 2nd year ako. Eh sakto nagkaroon na ko ng tres kaya bumaba na yung chance ko. Pero ayos lang ganon talaga eh hindi para sa akin ang award na yun. Naisip ko lang kung ano yung feeling. Sobrang tuwang tuwa siguro mga magulang ko nun pati lahat ng kamag anak ko. Tapos sasabihin sakin loko-loko ka tapos Cum Laude ka? Hahaha sarap lang sa feeling.

So ano nga ba ang mami-miss ko pag hindi na ako studyante? Marami. Haha hindi ko na iisa-isahin pero alam ko marami yun. Sa pag dating ng araw ng aking pagtatapos doon ko siguro maiisip lahat ng mga paghihirap ko. Kung worth it ba lahat ang 15 years kong pagaaral. Kung ano ba talaga yung mga bagay na natutunan ko sa labing limang taong nasa paaralan. Sapat na ba ang labing limang taon na yun para ako ay sumabak na sa work force? Maraming katanungan ang naghihintay sa akin. Sana lang pagka-graduate ko masagot ko ang mga ito.

No comments:

Post a Comment