Saturday, February 19, 2011

Magkikita din tayo.

Naisip ko lang kung asan na kaya yung taong makakasama ko pang habang buhay. Iniisip ko kung ano na ginagawa niya sa mga oras na ito. Iniisip ko kung ano ang kanyang hitsura, kung maganda ba siya, maputi o morena, matangkad o maliit, kung malambing ba siya o hindi, kung girly ba o boyish. Lahat ng katangian niya iniisip ko na, itong mga katangiang kasing ito yung makakasama ko hanggang sa pag tanda ko at sa mga huling hininga ng buhay ko. Asan na kaya siya ngayon? Inaantay niya din kaya ako? Hinahanap niya din kaya ako? Alam ko hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kami (oh kung nagkakilala na tayo, hindi pa ito ang tamang panahon para ma-realize natin sa isa't isa na tayo talaga para sa isa't isa) Alam ko darating din yung panahon na magkakakilala tayo at magkakasama.

Sabihin nanating nagmamadali ako. Pero gusto ko na siyang makasama. Kahit alam kong marami pa kong dadaanang pag subok sa buhay. Kahit na marami pa akong makikilalang iba't-ibang klaseng babae, kahit na alam kong marami pang pwedeng mag bago sa buhay ko. Bakit ko na siya gusto makasama? Dahil ngayon pa lang marami na kong plano para sa aming dalawa. Gusto ko na magawa yung mga bagay na alam kong ako lang ang makakagawa sa kanya non. Gusto ko ng iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya ka-importante sa buhay ko. Pasensya na kung nag mamadali ako, alam ko namang may tamang panahon para sa mga bagay na ito. Kahit na maikli lang ang buhay may tamang panahon pa din para sa ating dalawa.

Gusto ko lang sabihin na kahit nasan ka man ngayon, mag-iingat ka. Alagaan mo muna sarili mo habang wala pa ko sa tabi mo. Hayaan mo pag nagkita na tayo hinding hindi ka magsisisi na ako pala ang para sayo.

No comments:

Post a Comment