Thursday, February 17, 2011

Sasali ako.

Gusto kong sumali sa isang literary contest. Hindi ko pa kasi nararanasan sumali sa mga ganitong klaseng patimpalak. Sa pagka-kaalam ko noong bata ako wala naman ako hilig sa pag susulat. Hindi din ako magaling gumawa ng kwento. Hindi ko rin alam bakit naisip kong sumali. Masasabi kong trip-trip lang ito. Susubukan ko ang aking kapalaran sa pagsusulat. Simula noong nag blog ako natuto ako kahit papano na mag sulat. Natuto ako mag lahad ng mga saloobin ko, naging escape ko ang pagba-blog. Dito ko naramdaman yung kalayaan. Ayoko kasi ikimkim yung mga saloobin ko. Hanggat maari gusto ko to ilabas, gusto ko ito sabihin sa isang kaibigan o kapamilya, pero dahil busy sila, sa pagba-blog ko nalang nailalabas ang mga ito.

Kaya ngayon sisimulan ko namang mag sulat ng maikling kwento. Itong maikling kwento na ito pag natapos ang ipapasa ko sa timpalak na ito. Sa ngayon wala pa akong naiisip na kwento, sa totoo lang wala pa nga akong naiisip na tema nito. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na madali lang to, kapag sinumulan ko ng mag type tuloy-tuloy na. Pero sa totoo lang hindi. Mahirap gumawa ng kwento. Kailangang itaktak mo lahat ng laman ng utak mo at dapat naka-focus ka sa ginagawa mo. Pero susubukan ko pa din. Wala namang mawawala sa akin.

Bakit nga ba ako sasali? Dahil trip lang? Walang magawa? May pinaghuhugutan? Hindi ko din alam. Hindi ko rin alam kung sasali ako para manalo. Para makuha yung premyo o para sumikat. Siguro sasali ako para may maipag-malaki ako sa pamilya ko. Magugulat nalang sila kapag nagkataong nanalo ako. Kahit ano pang maging dahilan, manalo man ako o matalo, susubukan ko ito. Baka kasi ito na ang maging hakbang para matuklasan ko kung para san ba talaga ako dito sa mundo.

Pagdasal niyo nalang ako.

No comments:

Post a Comment