Tuesday, March 15, 2011

Gusto kong matutunan na pag galit ako. Hindi ako magsasalita

Bakit? Expressive kasi ako, kaya pag badtrip talaga ako o kaya galit puro rant ako. Ayoko ng ganon, kasi pag galit ako hindi ako nakakapag-isip ng maayos. Kung ano ano nalang nasasabi ko. Minsan di ko na namamalayan nakakasakit na pala ko ng ibang tao. Siyempre kinakain ng emosyon yung utak mo eh. Hindi mo na magagawang makapagisip ng tama. Nawawala na yung pagiging kalmado ng isang tao. Ito yung isa sa mga pagkatao ko na gusto ko mabago. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit nasasabihan ako ng mayabang. Alam ko naman yun, di ko yun itinatanggi. Pag galit ako wala na, hindi ko na naiisip na nakakasakit na ako ng damdamin ng iba. Ang panget lang. Sasama na image ko, mag tatanim pa yung iba ng sama ng loob sa akin.

Kaya ngayon pinagaaralan ko yung pag kontrol ng emosyon. Mind over matter dapat. Dapat mas maging sensitive sa feelings ng iba at maging maingat sa mga salitang binibitawan. Kaya payo ko sayo kung badtrip ka na sakin sabihin mo lang. Maiintindihan kita sabihin mo sa akin kung nagiging gago nanaman ako.

No comments:

Post a Comment