Thursday, March 10, 2011

Paulit-ulit nalang.

Sa makabagong henerasyon ng telebisyon napansin ko lang na paulit-ulit nalang ang mga nangyayari sa storya. Lalo na kapag Pinoy ang gumawa at kapag teleserye na ang pinagusapan? Nako sigurado ko madaling hulaan ang mga susunod na mangyayari. Hindi lang sa telebisyon pati na rin sa mga pelikula. Paulit-ulit na tema, ang uso ngayon? Love teams. Ang scene? Mayaman si lalake pwedeng boss siya ng kumpanya tapos si babae normal employee tapos magkakatuluyan. Ang ending? Eh di happily ever after. Wala ng bago. Sa teleserye naman (puro remake) parang sa Mara Clara lang, kunwari patay bida pero papakita nagkaroon siya ng amnesia siyempre nga naman para tumagal pa ang storya.

Kaya minsan nagtataka ako, marami namang sating mga Pinoy ang malilikhain, ang malalawak ang mga imahinasyon. Pero bakit halos lahat ng mga palabas ngayon paulit-ulit nalang? Dahil ba yun ang uso sa tao? Nakakalungkot lang, hanggang dun nalang ba ang kaya talaga ng mga Pilipino? Hindi naman di ba? Sana nagagawa din natin yung mga palabas sa ibang bansa. Kahit na simpleng tema lang maganda pa din ang storya. Lalo na yung mga action films nila panalo. Sana huwag tayong masanay kung ano lang yung mga nagagawa natin ngayon. Sana mag sikap pa yung mga nasa industriya ng pelikula o telebisyon na mag isip ng kakaiba. Hindi yung puro superhero, love team, o kaya naman comedy love story. Sana minsan gumawa naman sila ng kakaiba. Para naman may bago sa paningin ng tao. Yun kasi ang panget sa atin. Hindi na tayo masyadong nagiging malawak mag isip.

2 comments:

  1. kasi tayong mga pilipino, mahilig sa mga drama..hehe..kaya walang magawa ang gumagawa kundi ang magrevived, para kumita sila.

    ReplyDelete