Friday, April 15, 2011

Hindi porket di mo kailangang i-please lahat ng tao, eh di ka na gagawa nang paraan para ma please sila.

You can’t please everyone.

Yan ang isa sa mga pinakasikat na quote ngayon. Totoo naman kasi na hindi lahat nang tao eh kaya mong pakisamahan. Hindi lahat eh makakasundo mo, kahit na gaaano ka kabait meron at merong taong hindi mati-tripan ang ugali mo. Meron at merong insecure, mga taong walang magawa kung hindi pag chismisan / siraan / at kung ano ano pang false statements ang sasabihin sayo. Madalas silang makita sa isang workplace. Mga officemates na walang alam kung hindi manira. Meron din niyan sa school. Mga classmates mong di ka trip at laging sipsip sa mga professors, malakas silang mang back stab.

Siguro kahit saang lugar ka man mag punta hindi ito mawawala. Kung hindi mo din naman kasi mapapansin, minsan isa ka din sa mga taong inis sa isang katrabaho / kaklase / o maging sa isang kaibigan. Di mo lang nare-realize minsan ikaw mismo sa sarili mo e mapamula in some other way. Human nature na natin yun. Hindi na ito mawawala sa atin.

Pero kahit na hindi mo sila magawang magustuhan sila, titigil ka o sasabihin mo na “Baby I was born this way” at tska “Deal with it”. Una hindi ka si Lady Gaga, (kahit nga si Lady Gaga siguro gagawa pa din ng paraan para kahit papano magustuhan siya ng mga taong ayaw sa kanya). Kailangan mo din gumawa ng paraan. Alamin mo kung bakit ganon nalang ang tingin nila sayo. Baka naman pala ikaw na ang may mali at sila lang yung taong nakakakita nito. You have to look both sides. Pero kung wala talaga at least you try to cope with them.

Kung di ko makukuha ang agreement mo about this post. Okay lang, at least I try. Siguro nga, I can’t please everyone.

3 comments: