Monday, April 25, 2011

Madali maging kaibigan mahirap maging girlfriend.

Siguro napapansin mo din ngayon na maraming magagandang babae ang walang boyfriend. Sila yung mga babae na “Madali maging kaibigan mahirap maging girlfriend” Nagtataka ka siguro bakit ganon? Maganda naman sila? Mababait din naman yung iba? Pero bakit walang taong naglalakas ng loob para ligawan sila? Isa lang ang naiisip kong sagot diyan.INTIMIDATION. Siyempre kaming mga lalake, lalo na at alam naming di kami ka-gwapuhan, alam namin ang mga taste ng mga babae. Lalo na siguro kung yung gusto naming babae eh maganda oh kaya naman yung pang crush ng bayan yung dating. Nahihiya kaming mga lalake na lumapit sa inyo lalo na kung hindi pa namin kayo kakilala o kahit kaibigan man lang.

Ano ba ang pumapasok sa isip namin kapag ganito ang sitwasyon?

  • “AY mahirap lapitan yan baka masungit.” Natural lang sa mga magagandang babae ang maging masungit, first impression yun kadalasan ng mga lalake.
  • “Naku, as if namang papansinin niya ko.” Dito na pumapasok yung ‘inferiority’ naming mga lalake. Alam namin kung kanino kami dapat lumibel. Kaya pag maganda yung babae naku pang kaibigan lang talaga ang abot namin.
  • “Gwapo lang din gusto niyan, asa pa ko.” Masakit mang isipin pero isa to sa mga pumapasok sa isip ng mga normal na lalake. Kung baga kung pipili nalang din naman yung babae siyempre pipili na siya ng gwapo din. Oh kaya naman kahit di ganoong ka-gwapo eh mabait.

Pero ikaw bilang isang lalake papayag ka ba na ganon na lang? Bakit kasi hindi mo subukan? Susuko ka nalang ba dahil hindi alam mong sa una pa lang wala na talaga? Naalala ko tuloy yung kwento ng prof ko dati sa accounting. Meron silang kaibigan na hindi naman ka-gwapuhan, pandak pa, pero ang ganda ng asawa niya. Tinanong nila yung asawa ng kaibigan nila. “Bakit siya? Madami namang mas gwapo, blah blah blah” Alam mo kung ano sagot ng asawa ng kaibigan ng prof ko? “HINDI KASI SILA NAG TANONG EH. HINDI SILA NAGING MATAPANG PARA PATUNAYAN NA GUSTO NILA AKO”

Oo nga naman di ba? Kung gusto mo ang isang tao, despite of your “inferiority complex” patunayan mo yun. Nasa atin bilang lalake ang way para makuha ang puso nila. Pakitaan mo lang ng sincerity, care at love ang isang babae. Bibigay din yan, natatakot kasi tayo na porque maganda na yung babae wala na tayong pag asa. Walang magandang babae sa isang sincere, mabait, at loyal na lalake. Pero minsan kahit ano pang gawin ng isang lalake may mga babae talaga na mapili. Well, let’s just accept the fact na ganon talaga. Ang mahalaga before you quit. TRY.

1 comment:

  1. "maraming magagandang babae ang walang boyfriend"

    ehem! haha! charot!

    naliwanagan ako :D

    ReplyDelete