Thursday, February 17, 2011

Sisipagin kaya ako dito?

Hindi ko alam kung magiging masipag ako sa pag susulat dito. Hindi ko alam kung marami akong makukwento gaya ng ginagawa ko sa Tumblr. Iba dito wala akong kakilala, wala pa kong follower at dalawa lang ang sinusundan ko. May makabasa kaya nito?

Feeling ko kakaiba tong blogspot. Dahil blog talaga siya hindi siya katulad ng tumblr na micro-blogging lang. Hindi ito katulad ng Tumblr na may trending, dito walang away, walang ng ba-bash, lahat ng gumagamit dito may kalayaan. Kalayaan mag lahad ng mga nararamdaman ng bawat isa.

Pwede ko ring gawing diary ito. Tutal wala naman ako balak mag follow ng madami dito. At hindi ko rin alam kung may magfo-follow sa akin. Dito ko nalang ilalabas lahat ng hinaing ko sa buhay. Ang drama ko lang. Masarap din pala kausapin ang sarili pa minsan-minsan. Sana lang sipagin din ako mag blog dito.

Tama ang gagawin ko dito more on personal nalang. Hindi ko to itutulad sa Tumblr na maraming post about sa life, love and lessons. Mas okay to, dito hindi ako famous, dito tahimik. Tahimik na mundo na minsan ko ng inasam. Dito ako at ang keyboard ko lang ang magka-usap.

Wag sana ako mabaliw.

1 comment:

  1. hahaha... kaya mo yan chong... atleast dalawa na tayong foillower mo..w ahehe... salamat sa pagfollow kay batman..

    ReplyDelete